PASIMULA
Kamusta? Ako nga pala si Jake at ngayon ay uumpisahan ko ang aking blog tungkol sa pang araw araw na buhay ng isang lalake, asawa, magulang, anak, kaibigan, kapatid, kaaway at kung anu ano pa.
Paano ko nga ba uumpisahan ang blog na ito? Ito ba ay parang isang talaarawan na kailangan ko na isulat ang bawat pangyayari sa aking buhay? Marami akong gustong sabihin. Sa totoo lang pangarap ko rin magsulat ng libro gaya ng mga libro nila Bob Ong, Eros Atalla o di naman kaya ang yumao na si Tado.
Sila ang ilan sa mga inspirasyon ko para magsulat ng ganito. Yun bang sinasabi nila ang kanilang nararamdaman sa pamamagitan ng libro o kung ano ang opinyon nila sa buhay, politika, pampalakasan at maging sa mga usapin sa mga umpukan. Masarap na isipin na sa pamamagitan ng teknolohiya ay napapadali ang buhay ng tao, mas mabilis na naikakalat ang mga impormasyon na kailangan mo sa pamamagitan ng computer at internet. Sana itong blog ko na ito ay kapulutan ninyo ng kahit konting aral ng buhay. Kung paano ang nagsimula at sa ku g ano man ang narating ko sa kasalukuyan.
Sa mga susunod na pagkakataon ay aking isusulat ang aking naging simula kung paano u,iral ang isang Jake sa mundong ito at kung paano nabago ang aking buhay.
Ito ay aking iniaalay sa aking maybahay, sa aking anak at sa lahat ng kakilala ko sa sa buong mundo kung meron man.
No comments:
Post a Comment